Patok sa mga pasahero ang alok na libreng sakay ng Light Rail Transit o LRT line 2 ngayong Araw ng Kagitingan.
Nagsimula ang libreng sakay kaninang alas-7 ng umaga na tumagal hanggang alas-9 ng umaga at masusundan pa ito sa alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi mamaya.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sunud-sunod ang dating ng mga pashaero sa Antipolo at Santolan stations ng LRT line 2.
Laking tuwa ng mga pasahero sa handog na libreng sakay ng LRT 2 dahil malaking katipiran nito para sa kanila.
Ang libreng sakay sa LRT 2 ay bilang tugon ng LRTA sa hiling ng Defense Department na kilalanin ang sakripisyo at kagitingan ng mga beterano noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Samantala, mananatili naman hanggang Abril 11 ang libreng sakay para naman sa mga beterano na sasakay dito. | ulat ni Jaymark Dagala