Binigyang pugay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang sakripisyo at katapangan ng mga Pilipinong nag-alay ng sarili para sa bansang Pilipinas.
Ito ang mensahe ni AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. kaalinsabay ng ika-82 anibersaryo ng Araw ng Kagitingan ngayong araw na ito.
Sa isang pahayag, sinabi ni Brawner na dapat isaalang-alang ang mga naging ambag ng mga bayani ng bayan sa pagpapanatili ng demokrasya, kalayaan at kapayapaan ng bansa.
Hindi aniya matatawaran ang ipinakitang pagmamahal ng mga bayani kabilang na ang mga sundalong nagsakripisyo na siyang magsisilbing inspirasyon para sa bagong henerasyon.
Kaya naman sinabi ni Brawner na dapat magkaisa ang lahat upang lalo na ngayong humaharap ang bansa sa iba’t ibang hamon upang mapagtagumpayan ito. | ulat ni Jaymark Dagala