Nagpatupad ng price freeze ang Department of Energy (DOE) sa produktong Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa cylinders 11 kg pababa at kerosene sa mga lalawigan na apektado ng El Niño Phenomenon.
Ayon sa DOE, ang nasabing price freeze ay epektibo sa loob ng 15 araw sa munisipalidad ng Paglat, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Province of Maguindanao dahil sa epekto ng El Niño.
Ito’y matapos magdeklara ang munisipyo ng Paglat ng State of Calamity (SOC) dulot ng nararanasang matinding tagtuyot sa nasabing lalawigan.
Ang deklarasyon ng price freeze ay mananatili ang bisa mula April 4 na tatagal hanggang April 18 base narin sa ipinasa ng sangguniang bayan na Resolution No. 40 Series of 2024. | ulat ni Lorenz Tanjoco