Hinimok ni Speaker Martin Romualdez ang bawat Pilipino na magkaisa para depensahan ang bansa mula sa mga mananakop.
Aniya, oportunidad ang Araw ng Kagitingan para pagnilayan at pahalagahan natin ang katapangan ng ating mga ninuno na dinipensahan ang ating kalayaan.
Ang walang pag-iimbot na sakripisyo ng ating mga bayani na humarap sa mabibigat na hamon ay patotoo sa diwa ng sambayanang Pilipino.
Bagay na dapat ipagpatuloy ng bawat isa.
“Today, as we pay homage to their courage, we must also heed the invaluable lessons they impart. Defending Philippine sovereignty and territory is not merely a historical obligation; it is an ongoing responsibility that demands our unwavering commitment and vigilance,” sabi niya.
Sabi pa nito na ngayong nahaharap ang mundo sa geopolitical complexities at agawan sa teritoryo, importante ang pagtindig ng mga Pilipino sa pagprotekta sa hangganan ng ating bansa at lehitimong pagmamay-ari salig sa umiiral na international law.
Paalala pa nito na hindi lang ang pag-depensa ng soberanya at teritoryo ang ginugunita sa ngayong Araw ng Kagitingan, bagkus ay ang laban din para makalaya mula sa kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay.
“Just as our heroes fought for our nation’s physical borders, we must also strive to break the chains of poverty and uplift the less fortunate among us…Our commitment to freedom extends beyond territorial boundaries; it encompasses the liberation of our people from the shackles of poverty, hunger and deprivation. We must stand united in the fight against poverty, extending a helping hand to the less fortunate and empowering them to build better lives for themselves and their families,” wika ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes