Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad at kaligtasan ng mga kapatid na muslim sa pagdiriwang nila ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, may inilatag na silang mga hakbang partikular na sa mga nakakasang aktibidad ngayong araw.
Nagdagdag na rin aniya sila ng puwersa partikular na sa mga mosque, masjid at iba pang lugar na pagdarausan ng mga aktibidad kaugnay nito.
Kasabay nito, ipinaabot ni Fajardo ang pakikiisa ng PNP sa mga kapatid na muslim sa pagdiriwang ng mahalagang araw na ito para sa kanila. | ulat ni Jaymark Dagala