Naghain ng petition sa Court of Appeals ang Public Estates Authority Tollway Corporation na naglalayong bawiin na sa Cavite Infrastructure Corporation (CIC) ang pangangasiwa sa operasyon ng Manila Cavitex Toll Expressway Project o mas kilala sa Cavitex.
Sa petition ng Philippine Estate Authority Tollways Corporation na ni-represent ni Mr. Dioscoro Esteban Jr., hiniling nila na maglabas ng Writ of Mandamus ang Court of Appeals para ibalik na ng CIC ang pamamahala at operasyon ng Cavitex sa gobyerno kasama na ang pangongolekta sa toll way.
Sabi ng Public Estate Authority Tollways Corporation, nagsimula ang franchise period ng operator ng expressway noong 1998 na matatapos 2023.
Sa ilalim ng kasunduan, ang operator ng Cavitex ang siyang magpapa-gawa ng kalsada ng hanggang apat na phase o segment ng proyekto kapalit ng 10 porsyento ng gross income ay mapupunta sa gobyerno.
Sakaling mabawi na ang kabuuang halaga ng investment at pagkakataong ng operator ay ibabalik na sa gobyerno ang pamamahala sa Cavitex.
Sabi ng Philippine Estate Authority Tollways Corporation, natapos na noong nakaraang taon ang kontrata at nabawi na rin ng operator ang kanilang investment.
Ilang beses na daw nagpadala ng notice ang gobyerno sa operator ng Cavitex na ibalik na ang operation ng nasabing expressway pero patuloy na nagmamatigas ito.
Binanggit din sa petisyon na wala ng karapatan ang kompanya sa operation ng Cavitex lalo pa at umabot na sa P2. 4 billion pesos ang nawawala sa gobyerno mula noong nakaraang taon.
Ang Cavite Infrastructure Corporation ay subsidiary ng Mega Pacific na pag-aari ng negosyante na si Manny Pangilinan.
Ang reclamation ng nasabing Cavitex ay ginawa ng gobyerno noong 1985, panahon ni dating Pang. Ferdinand E. Marcos Sr. | ulat ni Michael Rogas