Nagpaabot ng mensahe si DILG Sec. Benhur Abalos para sa Filipino Muslim community sa paggunita ng Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng banal na panahon ng Ramadan.
Ayon sa kalihim, katuwang ang National Commission on Muslim Filipinos, nakikiisa ito sa pagbati ng Radaman Kareen mga kapatid nating Muslim.
Aniya, nawa ang pagdiriwang na ito ay mapuno ng biyaya, kapayapaan, at pagmamahalan.
“May this culminating event of the Holy Month of Ramadan be a time of rejoicing for the faith, discipline, and devotion you have practiced in the last 30 days.”
Dagdag pa ng kalihim, umaasa itong maisabuhay ang turo ng Ramadan partikular ang malasakit sa kapwa, at pasasalamat.
Kasunod nito, inihayag ng kalihim ang hangad nitong magpatuloy ang pagkakaisa ng lahat para sa isang progresibo at inklusibong Bagong Pilipinas. | ulat ni Merry Ann Bastasa