Pangulong Marcos Jr., naniniwalang sagot sa problema ng trapik ang episyenteng mass transit system

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na sagot sa problema ng trapik ang pinahusay na mass transit sa bansa.

Sa open forum sa ginawang “Bagong Pilipinas” traffic town hall summit sa San Juan sinabi ng Pangulo, na minamadali na ng gobyerno sa ngayon ang mass transit system upang mabawasan ang mga sasakyan sa kalsada.

Gaya aniya ng sa ibang bansa, lahat ng uri ng tao ay sumasakay sa tren, mayaman o mahirap bilang kanilang primary transport system.

Ayon pa sa Pangulo, bukod sa affordable ay mabilis na maihahatid ang mga commuter sa kanilang mga patutunguhan katulad na lamang sa ilang malalaking bansa.

Diin ng Pangulo, ang natatanging solusyon sa trapik sa bansa ay kapag naisakatuparan na ang mga pinapatayong trailway project ng gobyerno. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us