Ekonomiya ng Pilipinas, makikinabang sa makasaysayang PBBM-Biden-Kishida trilateral meet

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay Speaker Martin Romualdez ang nakatakdang trilateral summit sa pagitan nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa lider ng Kamara, malaki ang magiging benepisyo nito sa ekonomiya ng bansa at pangkalahatan ng mga Pilipino.

Ang naturang pulong na gaganapin sa Washington sa Abril 11, oras sa Amerika ay inaasahang magpapalalim sa ugnayang pang ekonomiya ng tatlong bansa, magpapalakas sa kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region, at magpapatibay sa iba’t ibang larangan tulad ng emerging technologies, climate change cooperation, at clean energy supply chains

“Economic cooperation lies at the heart of this trilateral meeting, with discussions aimed at enhancing trade, investment, and development opportunities among our nations. Our country’s deeper economic integration with the United States and Japan will undoubtedly benefit our people in terms of jobs and livelihood opportunities and contribute to regional prosperity,” sabi ni Romualdez.

Binibigyang diin din gaya ng pulong ang mahalagang papel ng Pilipinas bilang katuwang ng superpowers gaya ng US at Japan sa kanilang commitment para isulong ang regional stability at prosperity.

Giit pa ni Romualdez, na ngayong ang Pilipinas ay nasa sangandaan ng geopolitical dynamics sa Indo-Pacific region, ang pakikilahok ni Pangulong Marcos sa trilateral dialogue ay kritikal para maisulong ang interes ng Pilipinas at ng kabuuan ng international community.

“President Marcos, Jr.’s engagement with President Biden and Prime Minister Kishida underscores our nation’s commitment to upholding the principles of freedom, democracy, and the rule of law. It is also a tacit recognition of his leadership and his foreign policy of being a friend to all and enemy to none,” punto pa ng House Speaker. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us