Sinangayunan ni Liberal Party president at Albay Rep. Edcel Lagman ang pagkabahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sinasabing gentlemen’s agreement sa pagitan ni dating Pang. Rodrigo Duterte at China hinggil sa aktibidad sa West Philippine Sea (WPS).
Sabi ni Lagman, hindi dapat pumapasok sa anomang gentlemen’s agreement sa isang aggressor gaya ng China.
Aniya, tama ang sinabi ni PBBM na isang malaking pagkakamali ang kasunduang ito lalo at nakompromiso ang ating soberanya.
Iginiit din ni Lagman na walang bisa ang naturang kasunduan.
“I agree with President Marcos Jr. that former President Duterte’s unilateral and surreptitious agreement with China’s principal official is a grave mistake and indeed compromises Philippine sovereignty. This has no binding effect.” sabi ni Lagman.| ulat ni Kathleen Forbes