Malaki ang maitutulong ng motorcycle taxi program sa problema sa transportasyon kung mapapalawak ito sa iba pang panig ng bansa ayon kay House Committee on Transportation Vice-Chair Reynante Arrogancia.
Punto ng mambabatas, naiiba naman kasi ang sitwasyon sa rural areas kumpara sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.
Sa mga probinsya kasi, ang tricycle at motorsiklo ang karaniwang uri ng transportasyon dahil sa masyadong mahal para sa mga residente ang pagrenta o pagbili ng sasakyan.
Kailangan lamang aniya ng wastong training at proteksyon, mahigpit na pagpapatupad ng helmet at batas-trapiko, driving history screening at nararapat na pasahe.
Kasama rin aniya dito ang pagtatakda ng panuntunan para sa lahat ng motorsiklo, na ipatutupad ng local government units at Philippine National Police.
Halimbawa na lamang ang specific reflectorized markings at stickers, pagtatakda ng curfew sa mga motorsiklo partikular sa highway at residential areas, at paglalatag ng rational route plan. | ulat ni Kathleen Forbes