LTFRB-NCR, bukas kahit Sabado para sa mga hahabol ng application sa consolidation ng mga PUJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula sa April 13 araw ng Sabado, bubuksan sa publiko ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa National Capital Region (NCR).

Gagawin ito ng LTFRB-NCR, kasunod ng nalalapit na deadline ng consolidation sa April 30 para sa pagbuo at pagsali sa mga kooperatiba ng mga operator ng jeepney.

Sa inilabas na Office Order at Memorandum Circular ng LTFRB-NCR, tatlong magkakasunod na araw ng Sabado bukas ang kanilang opisina na hanggang April 27.

Pero paglilinaw ng regulatory agency, tanging filing lang ng bagong consolidation at amended application ang tatanggapin sa mga nasabing mga araw.

Sa report ng LTFRB nitong nakalipas na buwan ng Marso, nasa 80 percent na ang consolidation rate ng mga PUJ sa buong bansa.

Una nang nilinaw ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, na wala nang plano pang i-extend ang ilang beses nang pinalawig na deadline para dito bilang bahagi ng nagpapatuloy transport modernization program ng pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us