Dagdag na joint investment opportunity sa pagitan ng  Pilipinas at ng Amerika, asahan na sa bilateral meeting nina Pang. Marcos at US President Biden

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni US National Security Communications adviser John Kirby na inaasahan ang joint investment opportunity sa nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Joe Biden.

Sa panayam kay Kirby ng Philippine Media delegation, sinabi nitong may dagdag na investment opportunities ang naghihintay para sa Pilipinas. Excited aniya ukol dito si mismong US President Joe Biden.

Samantala, napag-alaman na may business meetings ring dadaluhan si Pangulong Marcos Jr. bilang bahagi ng kanyang Washington official visit.

Ito naman ay kinumpirma ni Philippine Ambassador to US Jose Romualdez na kung saan, ay mismong mga negosyanteng Amerikano aniya ang humiling na makapulong nila ang Pangulo. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us