Plano pang palawakin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Comprehensive Traffic Mangement Plan para sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, mas mainam kung ‘synchronize’ ang lahat ng inisyatiba sa traffic engineering at transportation planning upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mas maikling panahon.
Paliwanag ni Artes, ito na ang ginagawa sa lungsod ng Bangkok sa Thailand at naging epektibo naman ang pagpapatupad nito.
Kaya sa gabay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ni Artes na pag-aaralan nila na palawakin pa ang naturang masterplan sa trapiko.
2022 pa nabuo ang Comprehensive Traffic Management Plan na sinuportahan naman ng Japan International Cooperation Agency o JICA. | ulat ni Jaymark Dagala