Pinagbabawalan ng Malacañang ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na gumamit ng sirena o wang-wang, blinkers at iba pang kahalintulad na signaling at flashing devices.
Sa bisa ng Administrative Order No. 18, nakasaad na na-obserbahan ng pamahalaan na ang paggamit ng mga hindi awtorisadong blinkers at warning signal ay nakakaapekto sa trapiko.
“In this light, all government officials and personnel are hereby reminded that use of sirens, dome lights, blinkers and other similar devices shall only be under exigent or emergency circumstances or situations or to ensure the expedient and safe passage of emergency responders,” — AO.
Mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang lalabag sa kautusang ito.
Ibinaba ng Palasyo ang kautusang ito para sa kapakanan ng publiko at upang makatulong sa trapiko.
Pirmado ni Pangulong Marcos ang kautusan, ika-25 ng Marso, 2024, at magiging ganap sa oras na mailathala sa mga pahayagan. | ulat ni Racquel Bayan