Naharang ng mga operatiba ng Bureau of Immigration ang tatlong foreign sex offenders matapos magtangka itong pumasok ng bansa..
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, hindi nakalusot sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ang tatlong sex offenders kung saan nagpanggap ang mga itong mga turista.
Kinilala ang tatlong sex offenders na sina: Jeffrey William Jewitt, isang convicted sex offender sa Illinois noong 2012; Charles David James Weatherall, convicted ng child pornography sa United Kingdom; at si Momodu Wurie Jalloh na convicted sa Virginia ng aggravated sexual assault.
Paliwanag ni Tansingco isinama na ang nabanggit na sex offenders sa immigration blacklist.
Matatandaang sa ilalim ng Immigration Act, ang mga alien o foreign nationals na nahatulan ng krimen na kinabibilangan ng ‘moral turpitude’ ay awtomatikong hindi papapasukin ng bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco