Nakatakdang mag ikot ang mga kawani ng Makati Health Department sa iba’t ibang barangay sa lungsod para magpatak ng bakuna laban sa polio.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Makati, ito ang kanilang catch-up polio immunization kung saan gagawin ito sa loob ng isang buwan o simula sa Abril akinse hanggang Mayo akinse ng taong kasalukuyan.
Target ng naturang immunization drive ang mga batang may edad 6 weeks hanggang 23 months.
Dagdag pa pa ng lunsod ng Makati na para sa mga batang may edad 24 months hanggang 59 months, bivalent oral polio vaccine synchorinzed immunization naman ang gagawin. | ulat ni Lorenz Tanjoco