Tiwala si Professor Renato De Castro, isang political analyst na kung anuman ang mapagkasunduan sa pagitan ng Pilipinas, Japan, at Estados Unidos, ngayong linggo ay magpapatuloy lamang kahit sino pa ang maupong lider ng US.
Pahayag ito ng propesor sa harap ng napipintong halalan sa US sa Nobyembre at sa trilateral meeting nina Pangulong Ferdnainrd R. Marcos Jr., US President Joe Biden, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Washington D.C.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Prof. De Castro na kahit maraming bagay na hindi pinagkakasunduan ang mga Amerikano, isa ang usaping pang-seguridad at foreign policy sa mga paksa na pasok sa kanilang partisan concensus.
Nagkakaisa aniya ang mga Amerikano na pagdating sa harassment o pambu-bully ng China sa Pilipinas, Japan, at iba pang bansa sa Indo-Pacific, dapat na tulungan ng US ang mga ito.
“Ang concensus nila, dapat tulungan ang mga bansa sa Indo-Pacific region na hinaharap ang pananakop at panggigipit ng China. So sa larangan na iyang, I’m confident na mayroon pong continuity when it comes to issues like this.” — Prof. De Castro. | ulat ni Racquel Bayan