Naglabas ng kanilang pag tutol ang Catholic Bishop Conference of the Philippines kaugnay sa panukalang batas na lilikha sa Negros Island Region.
Sa statement ng CBCP, umaapela sila kay Pang. Bongbong Marcos Jr na I-veto ang panukalang batas tungkol sa paglikha ng dagdag na rehiyon.
Paliwanag ng simbahan, walang nangyaring maayos na konsultasyon sa mga mamamayan ng dalawang probinsya para dito.
Marami din daw mga sektor sa Negros Island ang tutol sa panukala na gawin silang bagong rehiyon sa Visayas.
Katunayan, noong 2014, sa survey ng Siliman State University, nasa 43.34% ang tutol sa Negros Island Region, 25.83% ang pabor at 30. 43% ang mga undecided.
Sa ngayon, pirma na lamang ng Pangulo ang kulang para maging ganap na batas ang Negros Island Region | ulat ni Michael Rogas