Amerika, binigyan diing di para sa isyu ng WPS ang layunin ng trilateral meeting na nakatakda bukas sa Washington

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni White House National Security Communications Advisor John Kirby na mas mabibigyang bigat ng nakatakdang trilateral meeting ang tungkol sa lalo pang pagpapalalim sa partnership sa pagitan ng Pilipinas, Amerika at ng Japan.

Sa panayam kay Kirby ng Philippine media delegation sa Washington, sinabi nitong mas prayoridad ng nakatakdang pagpupulong bukas ay kung ano ang makabubuti para sa mga Pilipino, Amerikano at mamamayan ng Japan.

Hindi naman itinanggi ni Kirby na magiging bahagi ng talakayan ang mga nakaraang aksiyon ng China sa West Philippine Sea (WPS), subalit hindi aniya ito ang kanilang magiging pangunahing agenda.

Mas mabibigyang pokus aniya ang may kinalaman sa economic at energy security pag-invest sa mga critical infrastructure, at ang pagpapatatag sa people-to-people ties.

Pero nabanggit ni Kirby, na Kasama sa magiging tagpo ng trilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at President Joe Biden ay ang katiyakan ng Amerika sa commitment nitong pagiging iron clad  bilang kaalyadong bansa ng Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us