Naglabas ng mga alituntunin ang National Food Authority (NFA) Council hinggil sa pagdi-dispose ng mga stock ng bigas ng ahensya.
Ito ay upang hindi na maulit ang kontrobersiya ng umano ay ibinentang tone-toneladang lumang rice stocks sa halagang P25 kada kilo sa mga pribadong trader.
Sa ilalim ng guidelines, pangunahing bibigyan ng rice stocks ay ang Department of Social Welfare and Development, Bureau of Jail Management and Penology, at mga ahensyang nangangasiwa sa kalamidad.
Sa sandaling matapos na maipamahagi ito, ang matititira ay iaalok naman sa mga pribadong sektor sa pamamagitan ng auction.
Dagdag pa rito, hindi na P25 ang bentahan kada kilo sa mga idi-dispose na lumang supply kung hindi 20% na mas mababa sa Philippine Statistics Authority (PSA) na monitored price ng well-milled rice.
Maglalabas din ng P10 bilyon para sa NFA upang mapalakas ang drying facilities ng ahensya. | ulat ni Diane Lear