Lungsod ng Muntinlupa, pinasinayaan ang kauna-unahang milk bank sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na pinasinayaan ang unang Human Milk Bank sa Lungsod ng Muntinlupa sa Ospital ng Muntinlupa para sa mga inang nais ipreserba ang gatas para sa kanilang mga anak na sanggol.

Katuwang sa proyektong ito ng pamahalaang lungsod ang Rotary Club Muntinlupa Filinvest at Rotary Club-Hongseong-Hongju, South Korea na nag-donate ng pasteurizing machine sa lungsod.

Sa oras na maging operational ang Human Milk Bank, makakatulong ito sa mga premature at critically-ill newborn at infant sa mga ospital sa Muntinlupa maging ng mga kalapit na lungsod na nangangailangan ng breastmilk. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us