Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang kaugnayan ang pinakahuling sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS) sa kasasagawa lamang na tri- lateral meeting nila ni US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida.
Sa kapihan with Media, inihayag ng Pangulo na kanyang tinitingnan ang pagsasagawa ng tri-lateral meeting bilang tuloy-tuloy na pagpapa-unlad sa relasyon ng Pilipinas sa Japan at Estados Unidos
Sinabi ng Pangulo na sa katunayan, malaking bahagi ng nabuong kasunduan sa tri-lateral summit ay patungkol sa economic assistance, partnership at proposals.
Bagama’t natalakay din Naman Ang may kinalaman sa security and defense, inihayag ng Pangulo na hindi naman ito ang pangunahing naging punto ng agreement.
Dagdag ng Pangulo na sa inilabas na joint vision statement ay makikita doon na ang nabigyan ng prayoridad ay nasa aspeto ng pagpapaigting ng ekonomiya.
Hindi aniya masasabing laban o patungkol sa kaninuman o alinman ang katatapos lamang na tri-lateral summit.| ulat ni Alvin Baltazar