Hinimok ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang kabataang Bicolanos na samantalahin ang iba’t ibang inisyatiba ng gobyerno.
Layunin nito na isulong ang agro-fishery sector, na tinatawag na isang “kritikal” component sa paggawa ng mas maraming pagkain at pag-modernize sa farm sector.
Sinabi ng kalihim na nag-set up ang DA ng menu ng mga serbisyo bilang tulong sa food security agenda ng gobyernong Marcos para ihanda ang mga kabataang Pilipino sa iba’t ibang gawain sa agri-fishery.
Sa kanyang mensahe sa 2nd Metro Naga Young Leaders Forum, binigyang-diin ng Kalihim ang kahalagahan ng mga kabataan sa food sector production.
Para mahikayat ang mas maraming kabataan na makipagsapalaran sa negosyo sa agrikultura, inilunsad ng DA ang Young Farmers Challenge (YFC).
Nag-aalok ito ng financial grants sa mga kabataang Pilipino na sabik na makisali sa mga bagong negosyo sa agri-fishery.
Sa ngayon, nasa 182 enterprises sa Bicol ang pinangangasiwaan ng 230 kabataang magsasaka na pinondohan ng DA-Young Farmers Challenge Program.| ulat ni Rey Ferrer