Naniniwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may lihim na kasunduan ang nakaraang administrasyon sa China na hindi binuksan sa taong bayan.
Sa kapihan with media sa Washington, sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang may basehan ang China kung kaya’t ganun na lamang ang pagpupumilit nitong igiit na may naganap na deal.
Sadya, ayon pa sa Pangulo, ang pinasok na agreement na aniya’y hindi maaaring sabihing gentlemen’s agreement kundi isang sikretong kasunduan.
Kumbinsido aniya siya sabi ng Chief Executive na may usapang itinago sa taong bayan sa halip na binuksan sana ito sa mga Pilipino.
Mariin aniya niyang tinututulan sabi ng Pangulo ang nabanggit na lihim na agreement na naglagay umano sa bansa sa alanganin.
Ang nais malaman ngayon ng Pangulo, ano ang laman ng deal at bakit ito ginawang secret at hindi binuksan sa mga Pilipino.| ulat ni Alvin Baltazar