Isasara sa mga motorista ang bahagi ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) Mabiga Area simula sa Abril 16 ng gabi hanggang 17 ng madaling araw.
Ang pansamantalang pagsasara ng SCTEX ay para bigyang daan ang konstruksyon ng Malolos-Clark Railway Project na proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railway (PNR).
Apektado ng closure ang papunta ng NLEX partikular ang lane 1 at 2 na may habang 105 meters .
Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa shoulder lane.
Tiniyak naman ng NLEX Corporation na maglalagay ng directional at safety signs sa strategic areas para maging gabay ng mga motorista.| ulat ni Rey Ferrer