Personal na pinasinayaan ng Department of Tourism (DOT) sa pangunguna ng Kalihim nito na si Ma. Christina Garcia Frasco ang bagong Tourist Rest Area (TRA) na matatagpuan sa Roxas, Palawan.
Layunin ng mga TRA na magbigay ng komportableng pahingahan para sa mga manlalakbay maliban pa sa mga matatagpuang pasalubong center at malilinis na comfort rooms.
Binigyang diin ni Secretary Frasco ang pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga makabuluhan proyektong pang-imprastruktura upang mapabuti ang karanasan ng mga turista.
Ipinagkatiwala naman sa local government unit ng Roxas ang naturang pasilidad sa pangunguna ni Mayor Dennis Sabando.
Samantala, maliban sa TRA sa Roxas, Palawan, nakatakda ring buksan ang isa pang Tourist Rest Area sa Palawan para naman sa mga turista na magagawi sa Brooke’s Point na nasa timog na bahagi ng lalawigan.| ulat ni EJ Lazaro