Kampante ang Philippine National Railways (PNR) na matatapos ang Php 873.62-billion North-South Commuter Railway (NSCR) project sa taong 2028.
Tiniyak ni PNR Chairman Michael Ted Macapagal na sa pagbalik ng operasyon ng PNR magkakaroon na ito ng bagong mukha, bagong pag-asa para sa Bagong Pilipinas.
Sa sandaling matapos aniya ang konstruksyon ay kaya nitong magsakay ng hanggang 800 commuters kada araw.
Pansamantalang itinigil ang operasyon ng PNR noong Marso 28, 2024 upang bigyang daan ang konstruksyon ng NSCR project sa Metro Manila.
Pagtaya ni Macapagal, umabot sa 25 libo hanggang 30 libong commuters ang naapektuhan kada araw.
Ang 147-kilometer railway project ay magkokonekta sa Clark, Pampanga sa North at Calamba, Laguna sa South.
Magkakaroon ito ng 37 stations sa madadaanang 28 munisipalidad sa Central Luzon, Metro Manila, at Calabarzon.| ulat ni Rey Ferrer