Nanawagan ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes sa local government units na atasan ang bawat barangay sa kanilang nasasakupan na magsagawa ng house-to-house wellness check sa gitna ng nararanasan ngayong sobrang init ng panahon.
Ayon kay Ordanes, maaaring magsagawa ng pagbabahay-bahay ang barangay health workers, tanod, at social welfare officers ng munisipyo sa lugar na marami ang mahihirap na pamilya na nakatira sa barong at walang kisame ang bahay.
Paliwanag ni Ordanes, ang mga buntis, sanggol, bata, senior citizen, may kapansanan at maysakit na kabilang sa mga kapos-palad nating kababayan ang pinakakawawa tuwing sobrang init ng panahon.
Pakiusap ni Ordanes sa mga alkalde, maging proactive sa kanilang pag -aksyon ngayong umiiral ang El Niño kung saan may panganib sa kalusugan partikular ang vulnerable sectors.
Dapat aniyang tiyakin ng LGU na may sapat na tubig na maiinom ang mga mahihirap, bantayan ang mga bahay na gawa sa light materials tulad ng kahoy, gayundin ang mga faulty electrical wiring, defective chargers at batteries upang makaiwas sa sunog. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes