Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang suporta ng Kamara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagsisikap na isulong ang interes ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) at peace and stability sa Indo-Pacific.
Umaasa rin si Speaker Romualdez na sa pamamagitan ng makasaysayang trilateral meeting ng USA-Japan at Pilipinas ay huhupa na ang tension sa WPS na kapwa pakikinabangan ng lahat ng stakeholders.
Sa inilabas kasing Joint Vision statement, iginiit ng tatlong leader ang “serious concern” ng paulit-ulit na pagharang at pambubully ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas na siyang nagdadala ng supply sa Ayungin Shoal.
Ayon pa kay Romualdez, ang Joint Vision Statement ng tatlong bansa ay naglalaman ng kongkretong “plan of action” upang isulong ang trilateral defense cooperation ng iba pang estado para sa kapayapaan at kasaganahan sa Indo-Pacific region.
Binanggit din ng pinuno ng Kapulungan ng Kongreso ang commitment ng USA at Japan na suporta sa Philippine Coast Guard capacity building, kasama na rin ang latest provision na 12 coast guard vessels at karagdagang 5 sasakyan pandagat para sa Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes