Hindi na nakapasok pa ng bansa ang isang lalaking Chinese na pinaghahanap ng Interpol matapos itong maharang ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sinasabing sangkot ang lalaking Chinese na kinilalang si Li Mingzhu, 32-anyos, sa voice phishing fraud sa South Korea kung saan may naghihintay din sa kanyang arrest warrant dahil sa paglabag sa Telecommunications Business Act ng nasabing bansa.
Nagresulta ito sa paglalagay ng pangalan ni Li sa Red Notice ng Interpol na kalauna’y naging dahilan upang ma-intercept ito ng BI sa NAIA mula sa flight nito sa Hong Kong.
Binigyang diin naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng international collaboration sa paglaban sa mga ganitong krimen.
Dagdag pa ni Tansingco, na committed ang BI sa pangako nito na protektahan ang mga border at ang mga publiko mula sa mga mapanlinlang na mga gawain.
Pinabalik naman si Li sa Hong Kong at isinama na sa listahan ng blacklist ng BI upang mapigil pa ang anumang susunod na tangka nito na pumasok sa bansa.| ulat ni EJ Lazaro