Kabuuan pang 198 Persons Deprived of Liberty (PDL) ang nailipat sa bagong pasilidad ng Quezon City Jail Male Dormitory sa Barangay Payatas kaninang madaling araw.
Ang mga PDL ay mula sa luma at over crowded na jail facility sa Barangay Kamuning.
Pangalawang batch na ang mga inilipat na PDL matapos ang unang 364 na mga matatanda at may mga karamdamang PDL na inilipat noong Abril 6, 2024.
Ayon kay QC Jail Warden Jail Supt. Warren Geronimo, ang unti-unting paglipat ng mga PDL ay makakatulong para mabawasan ang congestion lalo ngayong umiiral ang matinding init ng panahon.
Ang 2.4 ektaryang bagong QC Jail ay kayang makapag-accommodate ng 4,400 PDLs.
Mahigit tatlong libong inmates ang nagsisiksikan sa lumang pasilidad na higit sa ideal capacity nito na 262 bilanggo o may congestion rate na humigit-kumulang 1,247 na porsiyento.| ulat ni Rey Ferrer