Kabuuang Php 1.540 Million ang halaga ng tulong pinansyal ang ipinagkaloob ng National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang sinalanta ng iba’t ibang kalamidad sa Zamboanga City.
May 154 na pamilya ang binigyan ng tig Php 10,000 na maaari nilang magamit sa pagsasaayos at pagtatayo ng kanilang bahay.
Isinagawa ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng NHA Emergency Housing Assistance Program (EHAP).
Mismong si NHA General Manager Joeben Tai at Zamboanga City Mayor John Dalipe ang namigay ng ayuda sa Labuan Central Elementary School ng lungsod.
Sa kanyang mensahe, ipinangako pa ni GM Tai ang karagdagang tulong-pabahay para sa mga Zamboangueños.
Nakatakda pang mamigay ng tulong pinansyal ang NHA para sa may 575 pamilyang nasunugan sa lungsod din ng Zamboanga sa mga susunod pang araw.
Bukas,Abril 15, kasama ang Quezon City LGU, mamahagi rin ng tulong pinansyal ang NHA sa mga nasunugan sa barangay West Fairview at Culiat.
Naglaan ang ahensya ng Php4.165 Million para sa 227 pamilya.| ulat ni Rey Ferrer