Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pag-angkat ng domestic at wild birds mula sa Belgium at France.
Kinumpirma ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na wala na ang paglaganap ng bird flu outbreak sa Belgium at France mula pa noong Pebrero.
Kabilang sa mga inaangkat na produkto sa mga nasabing bansa ay poultry meat, day-old chicks, itlog at semilya.
Ayon sa DA, noong huling bahagi ng taong 2023, nang itala ang paglaganap ng highly pathogenic avian influenza H5N1 strain, sa dalawang bansa.
Dahil dito, naglabas ng import ban ang ahensya para na rin maprotektahan ang multi-billion-peso poultry industry gayundin matiyak ang food safety sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer