Pag-aralan ng Philippine National Police (PNP) kung posibleng makasuhan ng inciting to sedition si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez dahil sa kanyang ginawang panawagan sa mga sundalo at pulis na magbitiw ng suporta sa administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, titignan ng kanilang mga legal experts kung maaring ikonsoderang “seditious” ang naturang pahayag ni Alvarez.
Ginawa ni Alvarez ang panawagan sa isang political rally ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Tagum City noong Linggo.
Gayunman, nilinaw ni Fajardo na may karapatan ang sinuman na maghayag ng kanilang saloobin na itinatakda ng batas.
Hindi aniya kagustuhan ng PNP na mauwi sa kasuhan, kaya nanawagan si Fajardo na respetuhin ng publiko ang mga duly elected officials. | ulat ni Leo Sarne