Pormal na ibinahagi ni Sibagat Vice Mayor Maria Liza Evangelista ang bagong pump at engine set sa mga magsasakang miyembro ng Afga Diversified Farmers Association sa layuning masustine ang patubig at maibsan ang epekto ng nararanasang tagtuyot sa mga pananim.
Ang simpleng turn over ceremony ay ginanap sa Municipal Agriculture Office sa Sibagat, Agusan del Sur.
Nagpaabot ng malaking pasasalamat si Punong Barangay Arneil Abuzo na siyang kumatawan sa asosasyon sa pagtanggap ng makinarya na nagkakahalaga ng P222,050.
Ayun kay Mayor Evangelista ang pondo ay kinuha sa 20% ng municipal development fund bilang suporta upang tumaas ang produksyon ng lokal na mga magsasaka sa bayan ng Sibagat, Agusan del Sur
Inaasahan na makakatulong ang nasabing makinarya sa irigasyon sa mga high-value crops sa Afga. | ulat ni Jocelyn Morano | RP Butuan
📸: LGU-Sibagat