DSWD Caraga nakapagpalabas ng kabuuang ₱20,014,750 na pondo sa isinagawang payout ng short-term cash allowance para sa 11,437 target beneficiaries mula sa 21 barangay sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur.
Ito ay sa ilalim ng ipinapatupad na Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay – Cash-For-Work (KKB-CFW) project.
Umabot sa apat na araw ang pamamahagi ng nasabing short-term cash allowance sa pangangasiwa ng KALAHI-CIDSS Regional Program Management Office ng DSWD Caraga sa tulong na rin ng Municipal Coordinating Team at barangay officials, para sa maayos na proseso ng pamamahagi.
Ang KALAHI-CIDSS Cash-For-Work Program, ay ang pagbibigay oportunidad sa mga residente na kumita sa panandaliang pagta-trabaho sa kanilang komunidad.
Bahagi ang programa sa dedikasyon at pagsisikap ng gobyerno na palakasin ang kapasidad ng mamamayan sa bawat komunidad at matulungang makabangon sa krisis at iba pang hamon na kinakaharap. | ulat ni Jocelyn Morano | RP Butuan
📸: DSWD Caraga