Ipinamalas ng mga piloto ng Philippine at US Air Force ang kanilang air combat skills sa pagpapatuloy ng sabayang pagsasanay ng dalawang pwersa na COPE Thunder 24-1.
Gamit ang FA-50 at F-16 aircrafts ay nagsagawa ng Air Combat Maneuvers (ACM) ang mga piloto ng air forces ng Pilipinas at Estados Unidos sa intensive military training area sa kanlurang bahagi ng Zambales.
Ayon kay PAF Spokesperon Col. Maria Consuelo Castillo, ang ACM ay kritikal na bahagi ng Flight Integration Training Exercise, bilang paghahanda para sa nalalapit na Large Force Employment Missions na isasagawa sa Balikatan Exercise 2024.
Paliwanag ni Col. Castillo, ang pagsasanay sa COPE Thunder ay hindi lang para mahasa ang indibidwal na kakayahan ng mga piloto, kundi para mapahusay ang kanilang teamwork at komunikasyon, na mahalaga sa tagumpay ng mga pinagsanib na operasyon. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF