Nagsagawa ng pagsasanay sa ‘law enforcement and combat skills’ ang mga security force specialists ng Philippine at US Air Force.
Ang aktibidad ay bahagi ng nagpapatuloy na COPE Thunder 2024 exercise sa pagitan ng dalawang pwersa sa Basa Air Base sa Pampanga.
Dito’y nagsanay ang mga kalahok sa hand-to-hand combat techniques partikular sa baton maneuvers, upang masugpo ang iba’t ibang banta.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, ang kasanayang ito ay mahalaga para sa pagprotekta sa mga instalasyon ng hukbong panghimpapawid, mga ari-arian, at mga tao sa loob ng kanilang lugar ng responsibilidad. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF