Nilinaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan ay hindi kahalintulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa sa Estados Unidos.
Pahayag ito ng Pangulo nang tanungin kung anong bansa ang dapat na magpapanagot sa mga Japanese servicemen na makagagawa ng kasalanan sa Pilipinas, sakaling maaprubahan na ang RAA.
Sa ika-50 anibersaryo ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), ipinaliwanag ng Pangulo na ang RAA ay hindi katulad ng VFA na ang mga tripulante ng Japan ay tutungo sa mga base sa bansa, ituturing na kanila ang mga baseng ito, at bababa sa mga siyudad sa Pilipinas.
“It’s not the same as a Visiting Forces Agreement. That, I think, that’s not, it’s not similar, we’ve had problems with that with the Americans, some American forces, we all know. But that’s not… it’s very, very different from what the Reciprocal Agreement will be with the Japanese.” — Pangulong Marcos.
Hindi aniya ito kabilang sa mga nakapaloob sa RAA.
“It’s not going to be as if it’s their base and they, their seamen will come down and will go into the city and go— I don’t think that that’s a part of the agreement,” — Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, una nang sinabi ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas at Japan ay kapwa magbe-benepisyo sa RAA, sa pagpapanatili ng kapayapaan at stabilidad sa Indo-Pacific region.
Makakatulong ang kasunduang ito, sa pagpapalakas sa kooperasyon sa linya ng seguridad, disaster preparedness, at paglakas ng maritime cooperation ng dalawang bansa, lalo’t lalamanin nito ang mga susunding guidelines at procedure para sa pagbisita ng Philippine Forces sa Japan, para sa training at joint exercises, at vice versa.
Sabi ng Pangulo, malapit nang matapos ang RAA, lalo’t noong nakaraang linggo, muli nila itong napag-usapan ni Prime Minister Fumio Kishida sa isinagawang trilateral meeting sa Washington DC.
“We’re working on that. Malapit na. That would be coming soon. We spoke about it again with Prime Minister Kishida when I was in Washington. There aren’t any real conflicts in principle, it’s just a question of getting the language down and defining precisely how it’s going to work, the logistical systems and how that’s going to work. But it should not take very much longer. I think we’re very close to completion of that.” — Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan