Isinulong ng Department of National Defense (DND) at Philippine Navy ang pagpapalakas ng Naval Reserve Force, bilang hakbang tungo sa “integration and interoperability” nito sa mga regular na puwersa.
Kabilang ito sa mga tinalakay sa pagpupulong nina Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Adm. Toribio Adaci Jr. at DND Assistant Secretary for Plans and Programs Henry Robinson Jr., sa pagbisita ng huli sa Navy Headquarters kahapon.
Kasama sa mga tinalakay ang nakalipas na Reservist Mobilization Exercise (MOBEX) at ang pag-develop ng “training curriculum” ng mga reservist na naaangkop sa mandato ng iba’t ibang naval operating force.
Nagpasalamat si VAdm. Adaci kay Asec. Robinson sa makabuluhang talakayan para mapahusay ang PN reserve force, na nagsisilbing force multiplier sa pagtiyak ng maritime security ng bansa. | ulat ni Leo Sarne
📷: S1JO Ronald A Pataueg PN / NPAO