Nananatiling matatag ang samahan ng Pilipinas at Romania.
Ito ang naging mensahe ngayong araw ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac sa pagbubukas ng Philippines-Romania Friendship Week.
Ayon kay Cacdac, ang naturang aktibidad ay nagpapakita ng mahigpit na ugnayan ng dalawang bansa sa pagsusulong ng ligtas at makatarungang labor migration ng mga overseas Filipino worker (OFW).
Nagpasalamat naman ni Romanian Ambassador to the Philippines Râduta Dana Matache sa DMW at sinabing mas maraming oportunidad sa trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino sa kanilang bansa.
Batay sa datos, mayroong 2,000 mga Pilipino ang temporary migrant workers sa Romania na karamihan ay nagtatrabaho sa mga pabrika, automotive at production lines, at sa domestic housekeeping.
Sa ngayon, pinag-aaralan ng DMW at Romania ang mas pinaigting na kooperasyon na susuporta sa pagre-recruit ng mga skilled worker, IT worker, truck driver, factory worker, at caregiver mula sa Pilipinas.
Samantala, tampok sa Friendship Week ang iba’t ibang seminar kabilang ang ligtas na recruitment at mga oportunidad sa trabaho sa Romania.
Magkakaroon din ng film shows, mga ‘kumustahan’ kasama ang komunidad ng mga OFW, at photo exhibit na magpapakita ng mga kwento ng mga OFW sa Romania. | ulat ni Diane Lear