Patuloy na nakatutok sa supply ng enerhiya ang Department of Energy (DOE) matapos maitala ang Yellow at Red Alert Status sa Luzon at Visayas grid ngayong araw.
Sa isang pahayag, sinabi ng Energy Department na patuloy ang kanilang coordination sa sa mga energy power producers upang maiwasan ang malawakang power interupptions sa Luzon at Visayas grid.
Kaugnay nito, inatasan ni Energy Secretary Raphael Lotilla ang mga tanggapan ng pamahalaan na manguna sa energy conservation gayundin ang pribadong sektor
Sa ngayon at inaasahan ang ilang power interruptions sa ilang lugar sa Luzon at Visayas grids dahil sa pagnipis ng supply ng kuryente.
Sa huli, muling siniguro ng DOE na patuloy ang kanilng pagtugon sa naturang alerto upang maibalik sa normal ang supply ng kuryente. | ulat ni AJ Ignacio