Binigyang pagkilala ng Manila International Aiport Authority (MIAA) ang isang porter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil sa magandang kalooban nito matapos isauli ang nasa 10,000 US dollars na napulot nito sa isang pasilidad ng terminal kamakailan.
Nakita ng naturang porter na sampung taon nang nagtra-trabaho sa naturang terminal, na si Victor Perez, 52 yrs old, ang pera sa isang pushcart sa arrival area extension na nakaipit sa money bank binder.
Agad na isinauli ni Perez sa lost and found ang napulot na pera. Matapos reviewhin sa CCTV camera, binalikan rin ito agad ng isang Korean national na nagmamay-ari ng natruang pera.
Ayon kau MIAA General Manager Eric Ines, isang magandang halimbawa ang kabutihang loob ni Perez at dapat tularan ng mga kawani ng MIAA. | ulat ni AJ Ignacio