Muling iginiit ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi nila tatayuan ng detention facility ang nasa 270 hectares ng Masungi Geo Reserve sa Tanay, Rizal.
Ito ang naging pahayag ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr. matapos ang naging panawagan ni Senator Loren Legarda na huwag tayuan ng anumang pasilidad ng BuCor ang nature reserve sa lalawigan ng Rizal.
Aniya, suportado nito ang naging panawagan Senator Legarda dahil sa ito’y isa sa nature reserve at mahalaga na ipreserba ang naturang lugar ngunit kailangan lamang na lagyan ng security ang naturang lugar upang hindi pasukan at pamugaran ng ilegal na aktibidad. | ulat ni AJ Ignacio