Lungsod ng Isabela de Basilan, nasungkit ang 1st place para sa bahaging Mindanao sa Tourism Champions Challenge ng Department of Tourism

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasungkit ng lungsod ng Isabela de Basilan ang 1st Place para sa bahaging Mindanao sa Tourism Champions Challenge ng Department of Tourism.

Pinamunuan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinagawang awarding ceremony na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City kahapon.

Personal na tinanggap nina Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman at City Tourism Officer Claudio Ramos II ang pagkilala at ang pondong nagkakahalaga na P20-M.

Popondohan ng nasabing halaga ang ipinanukalang tourism project ng lungsod na tinaguriang “Lampinigan SANDS (Sustainable and Natural Destination of the South): The Jetty Port and Leisure Development Project”.

Dinagdagan din ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ng karagdagang P5-M ang tatlong national winners kung saan aabot sa P25-M ang kabuuang pondo para sa mga nagwaging proyekto. | ulat ni Justin Bulanon | RP1 ZAMBOANGA

📷 Isabela City LGU / RTVM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us