Inatasan ng Philippine Navy ang 9th Marine Brigade na imbestigahan si Davao Del Norte 1st District Representative at Philippine Marine Corps Reserve Col. Pantaleon Alvarez, at kunin ang kanyang paliwanag.
Ito’y kaugnay ng kanyang panawagan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na bumitiw sa pagsuporta sa administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang statement, pinuna ng Philippine Navy ang binitawang salita ng isang miymebro ng reserve force, at sinabing ang resulta ng imbestigastyon ang magdedetermina ng kanilang susunod na hakbang.
Muli namang tiniyak ng Philippine Navy na sila ay propesyonal na organisasyon at kasama ang Armed Forces of the Philippines na nananatiling tapat sa konstitusyon, sa chain of Command, at sa Pangulo ng Pilipinas bilang Commander in Chief. | ulat ni Leo Sarne