Posibleng masibak sa Reseserve Force si Davao Del Norte 1st District Representative at Philippine Marine Corps Reserve Col. Pantaleon Alvarez dahil sa kanyang panawagan na bumitiw sa pagsuporta sa administrasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerses Trinidad na mayroon nang mga kaso kung saan na “de-list” ang isang miymebro ng reserve force dahil sa paglabag sa mga regulasyon ng AFP o sa umiiral na batas.
Paliwanag ni Trinidad, ang breach of discipline o hindi pagsunod sa “standard” ng AFP ay kabilang sa mga dahilan ng pagkakasibak ng marami nang reservist.
Tiniyak naman ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na ang mga regulasyon sa mga pangkaraniwang miymebro ng Reserve force ang paiiralin sa situasyon ni Rep. Alvarez.
Samantala, ipinagutos na ng Phil. Navy ang imbestigasyon sa insidente at hiningan ng paliwanag si Alvarez.| ulat ni Leo Sarne