Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa southbound lane ng EDSA-Santolan sa San Juan City ang pagbangga ng isang kotse sa mga inilatag na barrier kaninang madaling araw.
Batay sa impormasyon mula sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, nangyari ang aksidente dakong alas-4:15 ng umga kanina sa pagbaba lamang ng Santolan flyover sa harap ng Gate 1 ng Kampo Crame.
Binangga ng naturang sasakyan ang 2 orange barrier at 1 concrete barrier.
Katuwiran ng babaeng driver, naka-idlip siya kaya’t nawalan ng kontrol sa sasakyan na nagresulta sa pagbangga nito sa barrier.
Galing sila sa isang outing mula sa Bulacan at papauwi na sana sa bahagi naman ng Rizal.
Ligtas naman ang driver ng kotse gayundin ang sakay nito.
Bago mag-ala 6 ng umaga nang maalis na ng mga tauhan ng MMDA ang naturang kotse. | ulat ni Jaymark Dagala