Nagpalitan ng “best practices” ang Philippine Air Force (PAF) at U.S. Air Force (USAF) sa pagpapatuloy ng COPE Thunder PH 24-1 exercise at Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga, kahapon (Abril 16).
Ang aktibidad ay bahagi ng Subject Matter Expert Exchange (SMEE) sa larangan ng Aircraft Maintenance, Supply, and Logistics management.
Ang SMEE ay pinangunahan ng 35th Logistics Readiness Squadron (LRS) of the USAF.
Dito’y ibinahagi ng mga eksperto ang kanilang kasanayan sa komunikasyon sa mga supplier, Logistics Information System (LIS) para mga piyesa, at engine maintainance facilities.
Ayon kay PAF spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, ang aktibidad ay testamento ng commitment ng PAF sa patuloy na pagpapahusay ng kanilang aviation operations. | ulat ni Leo Sarne
📷: PAF